Category: Uncategorized


I’ve listened to this DJ since last year via live-stream radio on my laptop, because i currently live in Canada right now but grew up in the Philippines. So yeah just a quick introduction about this DJ.

JOHN S. GEMPERLE aka. PAPA JACK of Love Radio 90.7. His program was called TLC (true love conversations) and WILD CONFESSIONS from 9pm-2am Philippine time Monday-Friday.
TLC HOTLINE” 862-6171
To send text message: LOVERADIO(space)TLC(space)MESSAGE(space)NAME/AGE/LOCATION and send to 2600

He Gives advices about love problems to his caller, he is a very frank person and he manage to justify every problems his caller is saying. And through his advices the caller and also his listener gets some words of wisdom from him which is absolutely can help you or me or them to realize something.

Here are some Words of wisdom that i get while listening to his program and from some sources here in the internet world.

=> LOVING SOMEONE IS TAKING RISK.

=> EVERYTHING IN EXCESS IS FATAL.

=> LOVING SOMEONE.. SHOULD FEEL LIKE A GLIMPSE OF HEAVEN.

=> You will discover new everyday to your partner, so you need to adjust EVERYDAY.

=> Hindi lahat ng nagmamahal ay magkasama, at hindi lahat ng magkasama ay nagmamahalan

=> Walang dalawang lovestory ang magkaparehas

=> It’s a good sign when you still have the guts to be angry with the person that hurt you because when the time comes that you’re just letting that person hurt you over again and you’re used to pain, means you do not love and respect yourself anymore.

=> Don’t make decisions when you’re mad

=> WALA KANG KARAPATANG UMARTE LALO NA KUNG KABIT KA LANG!

=> Ang pagiging mag-bestfriend, hindi idine-declare ‘yan! Nate-test ‘yan through time.

=> Ang tukso ay hindi nilalabanan.. NILALAYUAN!

=> Stop analyzing things.

=> Not because you have the gift of sight, it does not mean you are not blind.

=> Hindi ka nakikinig. You’re hearing but you’re not listening!

=> Pag nalilito ka kung sino sa dalawa ang mahal mo, isipin mo na lang kung sino sa dalawa ang pag nagkaroon ng matinding pagkakasala sayo, ay tatanggapin mo pa din.

=> Texting is not an effort. It is maintenance. Kailan pa naging effort ang pagte-text?”

=> if you want an ANSWER.. ask a QUESTION!..

=> Move on” is just a figurative term. We just get used to the pain until it hurts no more.

=> We say stupid things when we are angry.

=> Huwag mong sasabihing ginawa mo na ang lahat, dahil hindi mo kayang gawin lahat. Imposible ‘yun.

=> The best way to hurt someone to through honesty.

=> “All that won’t kill you will make you stronger.”

=> Love is like driving down the hill in the middle of the night, on flat tires, lights busted, breaks not working it is never a smooth ride, so many humps,turns and curves. It will hurt you and will make you feel like hitting the wall. But you rather take the ride than not at all.

=> “Steps on moving on: Say sorry, say thank you and say goodbye.”

=> “We don’t actually move on. We just get used to the pain, until the pain hurts no more.”

=> “there are things better left unsaid…”

=> Pag dumating yung panahon na mas marami ng pain, mas marami ng questions kesa sa answers, dun ka bumitaw.

=> Ang pride pinapairal sa career at trabaho, hindi sa relasyon, kasi hindi ka magiging masaya.

=> “Ang isang LDR pala, o long distance relationship, ay hindi nasusukat sa layo, o sa distance. Kundi sa cost nito. Kumbaga, kung may pamasahe ka ba papunta sa minamahal mo, panggastos sa pag-maintain ng LDR, etc.”

=> “Papaano ka papangalagaan ng susunod na tao na magmamahal sayo kung ikaw mismo wala nang respeto sa sarili mo?”

=> “Wag mong isipin na may kulang sayo dahil lang nagmahal ka dati at nagkamali ka.”

=> “Ang tanging dapat mong gawin ay iparamdam sa partner mo na siya ang pinakamagandang babae sa mundo.”

=> “Kung ang tao ay manloloko, kahit palagi mong bantayan, manloloko pa din yan. Pero kung bibigyan mo yan ng dahilan para irespeto ka, kahit marami pang temptation, irerespeto ka niyan.”

=> “If you chase two rabbits, you’ll end up losing both.”

=> “You cannot be a superhero to everybody’s life.”

=> “Not every good things in life will remain forever. We have to say goodbye at certain good things in our lives. At sana pagnawala ang mga good things sa buhay natin, you still have the power and guts para makita what was good in it.”

=> “Love me, love my dog. Package deal ‘yan eh.” Kapag mahal mo ang isang tao, mamahalin mo ang lahat sa kanya.

=> “Ang lahat ng kaldero ay may nakalaang takip.”

=> “Jealousy is a manifestation of love.”

= read the part 2 for more words of wisdom form papa jack=

Photography

Hi just want to share some of the pictures i took. I used to say that i want to be a photographer but guess it wasn’t really for me.

click my link :)

Not meant to Be [Chapter3]

pangatlo sa aking mahiwagang kwento :D

CHAPTER THREE: MULING PAGTATAGPO

Bez asan ka?
Bez may problema ako kay jane
bez magreply ka naman
Sunod sunod na text ang narecieve ni Gio nung gabing yun,ngunit dahil sa pagod sa school kinabukasan nya na ito nabasa.
Kinaumagahan; “bez sorry now qh lng nbasa txt muh nasan kb at punta q now” daling reply ni Gio kay Jed.

Andito kame kila Mack punta ka na” reply ni Jed.
Di na pumasok si Gio sa eskwelahan nung araw na yun dumiretso na sya kila Mack. Pag bungad sa pintuan nagulat si Gio sa nakita. “Si rose un ah” bulong ni Gio sa sarili sabay atras sa pintuan dahil sa gulat niya
.
Pasok ka boi” sabi ni Mack.
Nagkatitigan si Rose at Gio na parang parehas na nagulat sa muli nilang pagkikita,pero di na lang nagpahalata.
Ano ba nangyari?” tanong ni Gio.
Bez nagtanan si Mack at Jane,kagabi kasama ko si Rose niligaw namin sila Tita para lang maiiwas na mapunta kila Mack kase lahat tayo mabubuking” sagot ni Jed.
Tinitigan ko si Mack at Jane na mukang parehas na di alam ang gagawin dahil sa nangyari.

Hindi na din pumasok sa eskwelahan si Sandy at Rose dahil ayaw nilang iwan ang besfren nilang si Jane. Naging ease na sa isat-isa si Rose at Gio dahil sa buong araw silang magkakasama.
Nagkaron ulit ng communication ang dalawa…

Isang araw habang pauwi si Gio galing sa school tinext nya si Rose;
Tayo na lang kase ulit” sabi ni Gio kay Rose
eh hindi pwede may boyfriend ako” sagot ni Rose
Ok. lang sakin kahit S.O. nlng tayo” sabi ni Gio
anung S.O.?” naguguluhang tanong ni Rose
Secret On un” sagot ni Gio
Ok. sige pero wala muna makakalam ah kahit na besfren mo” sabi ni Rose
Ou naman wala problema dun” masayang sagot sa txt ni Gio

Maraming boyfriend si Rose at lingid sa kaalaman ni Gio na hindi lang pala sila dalawa kundi lima, pero hindi pa niya ito pinakawalan hanggang sa maging official na nagiisang boyfriend nalng siya ni Rose. Nalaman na din ng both friends ng dalawa na sila na ulit.

Not meant to Be [Chapter2]

Ang continuation ng aking munting kwento.. ^_^

CHAPTER TWO: GULO

Mag iisang linggo na din ang nakakaraan mula noong mag birthday si Mack.Araw ng miyerkules maagang pumasok sa eskwelahan si Rose dahil my assignment siyang hindi nagawa at kaylangan ng tulong mula sa mga kaybigan.Papasok sa room si Rose nakita niya agad si Jane at Sandy katabi nila si Anezh barkada din nila Rose.

Nakangiti na ang tatlo habang papalapit si Rose sa kanila
Ang aga talaga ha,oh eto na yung assignment kopyahin mo na lang ng di ka na mahirapan” sabi ni Anezh na nakaabot ang kamay hawak ang papel,kinuha agad ni Rose ang papel .
tama naman siya wala na din ako oras pag inintindi ko pa ito, ilang minuto na lang dadating na si mam.“sabi ni Rose sa sarili.
Habang nagsusulat kinausap ng tatlo si Rose,hindi na kaila sa kanila na sila pa din ni Gio hanggang ngayon
Wag mo ng lokohin pa si Gio,alam mo naman kung gaano siya kalapit sa akin kung ipagpapatuloy mo pa yan,kalimutan mo na din an magkaibigan tayo“sabi ni Jane kay Rose na seryosong nakatingin.

Malapit si Jane kay Gio,magkapatid na ang turingan nila madalas kase si Gio sa kanila dahil bestfriend nga nito ang kapatid niya.
Tama si Jane,Rose wag mo ng isali pa sa collection mo si Gio,mabait yon at pag nalaman ni Jed na alam naming may bf. ka pa bukod kay Gio.mag aaway kame..“sang ayon ni Sandy sa sinabi ni Jane,
oo nga” tumatangong sabi din ni Anezh.
Natigil sa pagsusulat si Rose
OK.sige bebreykin ko na siya mamaya,ayokong magkagulo gulo tayo ng dahil lang dito” sagot ni Rose sa tatlo na akmang natuwa sa narinig.

Hapon nagtext si Gio kay Rose
Pardz mustah ba?” nireplyan agad ni Rose
Gio,wag ka sana magagalit pero pwede bang mag kaibigan na lang tayo.“kabadong sinend ni Rose ang message.

OK” tanging sagot ni Gio.

Simula noon wala ng naging communication ang dalawa kahit magkalapit lang ang brgy.nila.Isang buwan na ang nakakaraan ay di pa din nagtatagpo ang landas nila.

December 4,Fiesta sa brgy.nila Gio.Nasa plaza si Gio at si Jed naglalaro sa perya.Tuwang tuwang naglalaro si Gio ng mapalingon sya sa kanyang likuran.
Si Rose naglalakad kasama ang barkada niya “OH SH*T,sa dami naman ng makikita ko eh siya pa“nasambit ni Gio sa sarili,Napatingin din si Rose kay Gio at sabay ngumiti na hindi ginantihan ni Gio bagkus ay ibinalik na lang muli ang atensyon sa ginagawa.

Ng gabing iyon ay hindi maalis sa isip ni Gio si Rose “maganda pa rin siya,mali ata na pumayag ako nung nakipagbreyk sa kanya,hai ewan!“naiinis na kausap ni Gio sa sarili.

Sa bahay nila Rose,magulo din ang utak ng isa “bakit hindi man siya ngumiti,galit pa kaya yun?pero bakit kinabahan ako ng makita ko uli siya” kapwa nakatulugan ng dalawa ang mga bagay na gumugulo sa kanila.

Not meant to Be [Chapter1]

A true story about two young couple love and fight for each other but both lost in the end.
I changed the name of the characters for their privacy.
Practice lang po ito kung kaya kong maging writer..:)

CHAPTER ONE: Ang pagkikita

Naghahanap ng isusuot si Gio sa kanyang cabinet ng biglang tumunog ang cellphone.Tinignan nya kung kanino galing ang message.
Bez azan ka na?andito na kame kaw nalang ang wala
pagkatapos basahin ni Gio ang message inilapag nya ang cellphone sa kama at nagpatuloy sa pagpili ng isusuot sabay sabi “eto talagang si jed masyadong mainipin“.

Si Jed ang Bestfriend ni Gio,magkaklase sila nung second year high school,madali silang naging close at hindi nga nagtagal naging mag bestfriend na sila,madalang mo lang makita ang dalawa na hindi magkasama, daig pa nila kambal.

Birthday ngayon ni Mack,bagong tropa nila Gio.May isang buwan na din silang magkakakilala at halos araw araw na din magkakasama.Alas dos na ng hapon ng makarating si Gio sa bahay nila Mack,buo na nga ang tropa siya na lang ang kulang andon ang bestfriend nya na si Jed kasama ang girlfriend na si Sandy,at ang iba pang barkada niya.

Unang bumati si Archie inakbayan si Gio
Tol katagal mo naman dumating,para kang babae ah” sabay ngiti,
alam mo naman na nag papagwapo pa ako eh” sagot ni Gio habang naglalakad sila papunta sa likod bahay kung saan nag iinuman.

Madaming Bisita si Mack,hindi nakapagtataka dahil mabait at sobrang sarap kasama ni Mack sabi ni Gio sa kanyang sarili habang nakaupo sa gilid kaharap ng mga barkada nya na medyo nakatagay na din,ng biglang may umakbay mula sa likuran ni Gio
mahal ko andyan ka na pala?” nakangiti at malambing na sabi ni Riza.
kanina pa“sagot ni Gio habang inaalis ang pagkakakbay sa kanya“.

Si Riza ang ex ni Gio kabebreyk lang nila five days ago nakaisang taon mahigit din ang dalawa,mahal na mahal ni Riza si Gio pero binreyk ni Gio si Riza sa pangalawang pagkakataon dahil hindi nya na ito mahal.Naging kaybigan na din ni Mack si Riza kaya inaya din sya ngayong birthday nya.

Inuman to the max ang magkakabarkada madaming bote na din ng redhorse at matador ang nauubos nila.Kalagitnaan ng inuman ng may dumating, si Jane kapatid ni Jed kasama ni Jane si Rose.

Humarap din sa inuman ang dalawa bagong muka para sa barkada si Rose,noon lang kase nila nakita eh magkakalapit lang pala ng baranggay.Kaya mapapansin na habang magkakaharap panay ang pahaging ng barkada kay Rose.
Hindi nakapagtataka na isa sa mga nagpapahaging ay si Gio,maganda at seksi si Rose.Hindi na nag aksaya pa ng oras si Gio tinabihan niya si Rose sa upuan.Habang nag iinuman nag uusap si Gio at Rose

Tiga saan ka?“tanong nya
tiga dito lang din,malapit yung bahay namin dito“sagot ni rose habang nagtetext sa cellphone niya.

Tuloy tuloy ang inuman ng magkakabarkada,ng biglang tinanong ni Mack si Rose “may boyfriend ka na ba Rose?” sasagot na sana si Rose pero nagsalita si Gio “meron na“sabi ng huli..sabay taas ng kamay nila ni Rose..habang nag iinuman pala ay nililigawan na ni Gio si Rose.
Makikitang nagulat din si Rose sa narinig pero umayon na lang din sa sinabi ni Gio.

Ang bilis naman” sabi ni Archie
wala talaga,naunahan na pala tayo ni Gio eh” sabi ni Mack.
Makikitang nanlumo ang iba pa, isa na doon si Jaime.Si Jaime ay kaybigan ni Mack simula pagkabata,sabay na nakilala nila Gio si Mack at Jaime.

Sa loob ng bahay nila Mack nandoon si Len kaybigan din nila Gio kasama niya si Jane ng biglang dumadating si Riza galing sa likod bahay kung saan nandoon sila Gio,gumegewang dahil na din sa pagkakainom.
ano lasing ka na?“tanong ni Len kay Riza
medyo,malanding babae yon wala pang isang araw sila na agad” ika ni Riza sabay upo sa tabi ni Jane.
Nagtataka ang dalawa sa sinabi nung isa
Sinong babae ba ang sinasabi mo?” tanong ni Jane
eh di sino pa,di yung bestfriend mo na Rose, ayon sila na ni Gio“sabi ng huli na makikitang galit.

Nagulat si Len at Jane sa tinuran ni Riza,habang nagtitinginan ang dalawa nasa isang sulok na si Riza at nagsusuka habang umiiyak.Tinulungan ni Len si Riza kumuha siya ng towel at binasa para ipamunas,nilingon nya si Jane

Puntahan mo si Gio sabihin mo lasing na lasing si Riza,di pwedeng umuwi ito ng lasing kundi mapapagalitan si Riza sa kanila“.Ganun nga ang ginawa ni Jane
Gio puntahan mo nga si Riza dun sa loob lasing na lasing,at umiiyak.” nagkatinginan si Gio at Rose
Eh gugulo lang lalo pag pinuntahan ko siya ngayon,kaya niyo na yan..patahanin nyo muna at pupuntahan ko siya mamaya“ani Gio.
Pagkarinig sa sinabi ni Gio,bumalik na si Jane sa loob at inalo nga nila ni Len si Riza,maya maya ay dumadating na si Gio at nag usap sila ni Riza.

Habang nag uusap ang dalawa sa loob,pinuntahan ni Jane si Rose kinausap nya ito
Kayo na daw ni Gio?wag na wag mong lolokohin yon kundi pati tayo mag aaway” tanong ni Jane
oo kame na nga,di ko alam pero di ko siya matanggihan eh” litong sagot ni Rose “

Lumabas na ng bahay si Gio at Riza,maayos na si Riza at halatang nakagayak na pauwi
Uuwi ka na Riza?” tanong ni Len
oo,malayo pa uuwian ko eh“sagot niya
eh samahan na kita sa paradahan ng tricycle“sabi ni Len
Sige tara na” nagpaalam na din si Riza sa iba pang andun at binati muli si Mack”

Inaya na din umuwi ni Rose si Jane at Sandy magkakabarkada ang tatlo,magkakaklase din sila
ano number mo?“tanong ni Gio tinype ni Rose sa cellphone ni Gio ang number nya
Oh ayan text mo na lang ako ah“.Inihatid na ni Gio at Jed ang tatlo sa sakayan ng tricycle pagkatapos ay bumalik na sila sa bahay nila Mack.

Inabot ng alas onse ng gabi ang inuman ng magkakabarkada,natira na lamang ay si Gio,Jed,Jaime,Mack,Archie,Len at Joan. Nauna ng umuwi si Len at Joan malapit lang ang bahay ng dalawa kila Mack kaya hindi na sila nagpahatid.
Pare tinetext mo na agad si Rose ah” nakatawang sabi ni Jaime
Oo eh” sagot ni Gio habang nagtatype sa cellphone.
Ilang minuto lang ang lumipas,lumabas na si Aling Dina nanay ni Mack
Mga anak,gabi na tama na yang inom nyo at mahirap umuwi ng lasing” ani Aling Dina
Ubusin lang ho namin ito at uuwi na din po kame ” sagot ni Archie.
Pagkaubos ay nagsiuwian na nga ang magkakabarkada.

Sa bahay nila Rose
tama ba yun?,baka isipin naman niya napakacheap ko at sinagot ko siya agad“ani Rose sa sarili na tipong naaasar sa sarili na di mo mawari,nasa ganoon eksena si Rose ng tumunog ang cellphone nya.
Pardz simula ngayon pardz na tawagan natin ah,ayoko ng honey or kahit ano gasgas na yun eh,nga pla andito na ako sa bahay kauuwi ko lang.gudnyte..mwuahz” text ni Gio.
Napabuntunghininga si Rose iniisip nya kung tama ba talaga ang ginawa nyang pagsagot kay Gio ng ganon kadali,hanggang sa nakatulugan niya na ang pag iisip.

Sa text na lang halos nag cocommunicate si Gio at Rose dahil parehas silang nag aaral, 4rth year Highschool pa lang si Rose sa bayan nila,si Gio naman ay 1st year College sa kursong Architecture na kaylangan pang bumiyahe ng isang oras mahigit papunta sa eskwelahan niya.

hmmn…I think many of you who have been in Filipino parties have seen this kind of dance right?(for Filipinos you absolutely knew line dancing) either you are in the Philippines or on the other country.But in my experience i saw this kind of dance most of the time here in Canada,well because I lived here,i know they did this one too in the other countries.But you’ll see Line dancing more often on a place were a lot of balikbayans or Filipinos that’s in the other country.
If you haven’t try line dancing,i suggest you should! esp.if you are a Filipino.. or your gonna miss a greatest dance you’ll ever had in your life.:)
If you ask someone or the other races who have been in “pinoy party” if how was a Filipino party is?
They gonna say about “line dancing”..

Line dancing occurs without any WARNING!!:p
what i mean is….

Everybody is dancing on the dance floor,with any kind of music…
BUT….
when someone start to do a line dance..
YOU’LL SEE, ONE BY ONE…EVERYBODY WILL GONNA MOVE LIKE WHAT THE FIRST PERSON DID!!
it doesn’t matter if it was a Filipino song or other song,as long that you can do LINE DANCING on it’s beat..

FAMOUS “LINE DANCE” SONG is…
(from my experience i only knew some of the song)
Todo todo
Papaya
Iswing mo ako
Bongga ka day
Baila chilly cha cha
Otso Otso

A Filipino party wasn’t complete without LINE DANCING..well i bet that makes the party more happy!!
hehe..
Other races did line dancing too..but i like how Filipinos danced it..!!

well..that’s all i can say about it..
^_^

Definitely Filipino

i saw this picture in Facebook..one of my friend posted it..
she said…
A couple of days ago, an embarrassing scene was played on TV when a Filipino general was carried on someone else’ shoulder so he wouldn’t get wet when he stepped off a banca. The American officer on the other hand waded in the water and stepped off the banca without any help. See the symbolism on why the Philippines has problems ? I think the Filipino General should be fired. How could he win the war against the Abu Sayaf? Eh, tubig lang takot na siya. Nakakahiya!! Lalong nakakahiya doon sa Kano na kasunod niya. he he he he he he he he BAGONG PEDICURE SIGURO ANG LOKO.
Send this to all your friends and hopefully this will circulate
para mapahiya itong General na ito.

10723_1267391803923_1203651951_811322_3966451_n

-tsk..tsk…tsk.. nakakahiya naman talaga eh..-

Vancouver really puts up all their effort to do everything for Olympics..
I saw a lot of changes now in this city and of course more jobs for people.

olympic

my picture at the timekeeper of 2010 Winter Olympics in Vancouver
you can see the days,hours,min. and seconds before the Olympics.

People are looking forward for this Olympic..and so do i :)

THANK YOU…

…for the HAPPINESS you brought to me
…for all your kindness and thoughtful ways

…for the TENDERNESS and SWEETNESS in your heart
…for saying “i miss you” when we’re apart

…for the PATIENCE when I’m doing wrong
…and your laughter that lingers like a song

…for the FAITH and STRENGTH you’ve given me
…for the lovely things that you’ve help me to see

…for the LOVE that is constant so true
…I’ve thank GOD for giving me someone LIKE YOU!!

-This is one of the poem that i did,i can’t find the others that i made.hopefully I’ll be able to find them so i can share it too-

Bob Ong Quotes

1, Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

2.Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wan-tu-sawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.

3.Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh, meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.

4.Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.

5.Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka naming sinasaktan.. Imbes na magtanong ka ng Hindi pa ba sapat? Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabale-wala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. Wag kang magpadala sa salitang sorry at ayokong mawala ka. Kung totoo yun, papatunayan nya.

6.Minsan nililinlang ka na lang ng sarili mong damdamin na akala mo nasasaktan ka pa din. Pero ang totoo-naalala mo lang talaga yung pakiramdam nung nasaktan ka. Pareho lang din yun sa pag-aakalang mahal mo pa yung tao pero ang totoo- naiisip mo lang yung pakiramdam mo dati nung mahal mo pa siya.
_(ou nga naman)haha_

7.Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba?

-eto ang mga fav.kong quotes ni Bob Ong so far..i haven’t read his book,and i want to. kaya lang wala dito sa Canada eh.I hope pag uwi ko eh makabili ko ng books nya..naiintriga na kase ko eh..:)-

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.