Not meant to Be [Chapter1]

A true story about two young couple love and fight for each other but both lost in the end.
I changed the name of the characters for their privacy.
Practice lang po ito kung kaya kong maging writer..:)

CHAPTER ONE: Ang pagkikita

Naghahanap ng isusuot si Gio sa kanyang cabinet ng biglang tumunog ang cellphone.Tinignan nya kung kanino galing ang message.
Bez azan ka na?andito na kame kaw nalang ang wala
pagkatapos basahin ni Gio ang message inilapag nya ang cellphone sa kama at nagpatuloy sa pagpili ng isusuot sabay sabi “eto talagang si jed masyadong mainipin“.

Si Jed ang Bestfriend ni Gio,magkaklase sila nung second year high school,madali silang naging close at hindi nga nagtagal naging mag bestfriend na sila,madalang mo lang makita ang dalawa na hindi magkasama, daig pa nila kambal.

Birthday ngayon ni Mack,bagong tropa nila Gio.May isang buwan na din silang magkakakilala at halos araw araw na din magkakasama.Alas dos na ng hapon ng makarating si Gio sa bahay nila Mack,buo na nga ang tropa siya na lang ang kulang andon ang bestfriend nya na si Jed kasama ang girlfriend na si Sandy,at ang iba pang barkada niya.

Unang bumati si Archie inakbayan si Gio
Tol katagal mo naman dumating,para kang babae ah” sabay ngiti,
alam mo naman na nag papagwapo pa ako eh” sagot ni Gio habang naglalakad sila papunta sa likod bahay kung saan nag iinuman.

Madaming Bisita si Mack,hindi nakapagtataka dahil mabait at sobrang sarap kasama ni Mack sabi ni Gio sa kanyang sarili habang nakaupo sa gilid kaharap ng mga barkada nya na medyo nakatagay na din,ng biglang may umakbay mula sa likuran ni Gio
mahal ko andyan ka na pala?” nakangiti at malambing na sabi ni Riza.
kanina pa“sagot ni Gio habang inaalis ang pagkakakbay sa kanya“.

Si Riza ang ex ni Gio kabebreyk lang nila five days ago nakaisang taon mahigit din ang dalawa,mahal na mahal ni Riza si Gio pero binreyk ni Gio si Riza sa pangalawang pagkakataon dahil hindi nya na ito mahal.Naging kaybigan na din ni Mack si Riza kaya inaya din sya ngayong birthday nya.

Inuman to the max ang magkakabarkada madaming bote na din ng redhorse at matador ang nauubos nila.Kalagitnaan ng inuman ng may dumating, si Jane kapatid ni Jed kasama ni Jane si Rose.

Humarap din sa inuman ang dalawa bagong muka para sa barkada si Rose,noon lang kase nila nakita eh magkakalapit lang pala ng baranggay.Kaya mapapansin na habang magkakaharap panay ang pahaging ng barkada kay Rose.
Hindi nakapagtataka na isa sa mga nagpapahaging ay si Gio,maganda at seksi si Rose.Hindi na nag aksaya pa ng oras si Gio tinabihan niya si Rose sa upuan.Habang nag iinuman nag uusap si Gio at Rose

Tiga saan ka?“tanong nya
tiga dito lang din,malapit yung bahay namin dito“sagot ni rose habang nagtetext sa cellphone niya.

Tuloy tuloy ang inuman ng magkakabarkada,ng biglang tinanong ni Mack si Rose “may boyfriend ka na ba Rose?” sasagot na sana si Rose pero nagsalita si Gio “meron na“sabi ng huli..sabay taas ng kamay nila ni Rose..habang nag iinuman pala ay nililigawan na ni Gio si Rose.
Makikitang nagulat din si Rose sa narinig pero umayon na lang din sa sinabi ni Gio.

Ang bilis naman” sabi ni Archie
wala talaga,naunahan na pala tayo ni Gio eh” sabi ni Mack.
Makikitang nanlumo ang iba pa, isa na doon si Jaime.Si Jaime ay kaybigan ni Mack simula pagkabata,sabay na nakilala nila Gio si Mack at Jaime.

Sa loob ng bahay nila Mack nandoon si Len kaybigan din nila Gio kasama niya si Jane ng biglang dumadating si Riza galing sa likod bahay kung saan nandoon sila Gio,gumegewang dahil na din sa pagkakainom.
ano lasing ka na?“tanong ni Len kay Riza
medyo,malanding babae yon wala pang isang araw sila na agad” ika ni Riza sabay upo sa tabi ni Jane.
Nagtataka ang dalawa sa sinabi nung isa
Sinong babae ba ang sinasabi mo?” tanong ni Jane
eh di sino pa,di yung bestfriend mo na Rose, ayon sila na ni Gio“sabi ng huli na makikitang galit.

Nagulat si Len at Jane sa tinuran ni Riza,habang nagtitinginan ang dalawa nasa isang sulok na si Riza at nagsusuka habang umiiyak.Tinulungan ni Len si Riza kumuha siya ng towel at binasa para ipamunas,nilingon nya si Jane

Puntahan mo si Gio sabihin mo lasing na lasing si Riza,di pwedeng umuwi ito ng lasing kundi mapapagalitan si Riza sa kanila“.Ganun nga ang ginawa ni Jane
Gio puntahan mo nga si Riza dun sa loob lasing na lasing,at umiiyak.” nagkatinginan si Gio at Rose
Eh gugulo lang lalo pag pinuntahan ko siya ngayon,kaya niyo na yan..patahanin nyo muna at pupuntahan ko siya mamaya“ani Gio.
Pagkarinig sa sinabi ni Gio,bumalik na si Jane sa loob at inalo nga nila ni Len si Riza,maya maya ay dumadating na si Gio at nag usap sila ni Riza.

Habang nag uusap ang dalawa sa loob,pinuntahan ni Jane si Rose kinausap nya ito
Kayo na daw ni Gio?wag na wag mong lolokohin yon kundi pati tayo mag aaway” tanong ni Jane
oo kame na nga,di ko alam pero di ko siya matanggihan eh” litong sagot ni Rose ”

Lumabas na ng bahay si Gio at Riza,maayos na si Riza at halatang nakagayak na pauwi
Uuwi ka na Riza?” tanong ni Len
oo,malayo pa uuwian ko eh“sagot niya
eh samahan na kita sa paradahan ng tricycle“sabi ni Len
Sige tara na” nagpaalam na din si Riza sa iba pang andun at binati muli si Mack”

Inaya na din umuwi ni Rose si Jane at Sandy magkakabarkada ang tatlo,magkakaklase din sila
ano number mo?“tanong ni Gio tinype ni Rose sa cellphone ni Gio ang number nya
Oh ayan text mo na lang ako ah“.Inihatid na ni Gio at Jed ang tatlo sa sakayan ng tricycle pagkatapos ay bumalik na sila sa bahay nila Mack.

Inabot ng alas onse ng gabi ang inuman ng magkakabarkada,natira na lamang ay si Gio,Jed,Jaime,Mack,Archie,Len at Joan. Nauna ng umuwi si Len at Joan malapit lang ang bahay ng dalawa kila Mack kaya hindi na sila nagpahatid.
Pare tinetext mo na agad si Rose ah” nakatawang sabi ni Jaime
Oo eh” sagot ni Gio habang nagtatype sa cellphone.
Ilang minuto lang ang lumipas,lumabas na si Aling Dina nanay ni Mack
Mga anak,gabi na tama na yang inom nyo at mahirap umuwi ng lasing” ani Aling Dina
Ubusin lang ho namin ito at uuwi na din po kame ” sagot ni Archie.
Pagkaubos ay nagsiuwian na nga ang magkakabarkada.

Sa bahay nila Rose
tama ba yun?,baka isipin naman niya napakacheap ko at sinagot ko siya agad“ani Rose sa sarili na tipong naaasar sa sarili na di mo mawari,nasa ganoon eksena si Rose ng tumunog ang cellphone nya.
Pardz simula ngayon pardz na tawagan natin ah,ayoko ng honey or kahit ano gasgas na yun eh,nga pla andito na ako sa bahay kauuwi ko lang.gudnyte..mwuahz” text ni Gio.
Napabuntunghininga si Rose iniisip nya kung tama ba talaga ang ginawa nyang pagsagot kay Gio ng ganon kadali,hanggang sa nakatulugan niya na ang pag iisip.

Sa text na lang halos nag cocommunicate si Gio at Rose dahil parehas silang nag aaral, 4rth year Highschool pa lang si Rose sa bayan nila,si Gio naman ay 1st year College sa kursong Architecture na kaylangan pang bumiyahe ng isang oras mahigit papunta sa eskwelahan niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s