Not meant to Be [Chapter2]

Ang continuation ng aking munting kwento.. ^_^

CHAPTER TWO: GULO

Mag iisang linggo na din ang nakakaraan mula noong mag birthday si Mack.Araw ng miyerkules maagang pumasok sa eskwelahan si Rose dahil my assignment siyang hindi nagawa at kaylangan ng tulong mula sa mga kaybigan.Papasok sa room si Rose nakita niya agad si Jane at Sandy katabi nila si Anezh barkada din nila Rose.

Nakangiti na ang tatlo habang papalapit si Rose sa kanila
Ang aga talaga ha,oh eto na yung assignment kopyahin mo na lang ng di ka na mahirapan” sabi ni Anezh na nakaabot ang kamay hawak ang papel,kinuha agad ni Rose ang papel .
tama naman siya wala na din ako oras pag inintindi ko pa ito, ilang minuto na lang dadating na si mam.“sabi ni Rose sa sarili.
Habang nagsusulat kinausap ng tatlo si Rose,hindi na kaila sa kanila na sila pa din ni Gio hanggang ngayon
Wag mo ng lokohin pa si Gio,alam mo naman kung gaano siya kalapit sa akin kung ipagpapatuloy mo pa yan,kalimutan mo na din an magkaibigan tayo“sabi ni Jane kay Rose na seryosong nakatingin.

Malapit si Jane kay Gio,magkapatid na ang turingan nila madalas kase si Gio sa kanila dahil bestfriend nga nito ang kapatid niya.
Tama si Jane,Rose wag mo ng isali pa sa collection mo si Gio,mabait yon at pag nalaman ni Jed na alam naming may bf. ka pa bukod kay Gio.mag aaway kame..“sang ayon ni Sandy sa sinabi ni Jane,
oo nga” tumatangong sabi din ni Anezh.
Natigil sa pagsusulat si Rose
OK.sige bebreykin ko na siya mamaya,ayokong magkagulo gulo tayo ng dahil lang dito” sagot ni Rose sa tatlo na akmang natuwa sa narinig.

Hapon nagtext si Gio kay Rose
Pardz mustah ba?” nireplyan agad ni Rose
Gio,wag ka sana magagalit pero pwede bang mag kaibigan na lang tayo.“kabadong sinend ni Rose ang message.

OK” tanging sagot ni Gio.

Simula noon wala ng naging communication ang dalawa kahit magkalapit lang ang brgy.nila.Isang buwan na ang nakakaraan ay di pa din nagtatagpo ang landas nila.

December 4,Fiesta sa brgy.nila Gio.Nasa plaza si Gio at si Jed naglalaro sa perya.Tuwang tuwang naglalaro si Gio ng mapalingon sya sa kanyang likuran.
Si Rose naglalakad kasama ang barkada niya “OH SH*T,sa dami naman ng makikita ko eh siya pa“nasambit ni Gio sa sarili,Napatingin din si Rose kay Gio at sabay ngumiti na hindi ginantihan ni Gio bagkus ay ibinalik na lang muli ang atensyon sa ginagawa.

Ng gabing iyon ay hindi maalis sa isip ni Gio si Rose “maganda pa rin siya,mali ata na pumayag ako nung nakipagbreyk sa kanya,hai ewan!“naiinis na kausap ni Gio sa sarili.

Sa bahay nila Rose,magulo din ang utak ng isa “bakit hindi man siya ngumiti,galit pa kaya yun?pero bakit kinabahan ako ng makita ko uli siya” kapwa nakatulugan ng dalawa ang mga bagay na gumugulo sa kanila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s